iluko.com - website a magustoan a pagpalpallailangan dagiti pada a nangisit ti sikona.

aay! saringit

 

Skip Navigation LinksHome > Blogs >



mayroon pang bukas
4/14/2008 11:21:57 AM

hinabi sa likas na kaligayahan



Comments



md
4/14/2008 11:24:33 AM

mayroon pang bukas

yakapyakap ako ng katahimikan
naglalakbay sa gilid parang luntian
mga tulis ng damo aking ramdam
pati mumunting kagat ng langgam
yumuko ako’t pinisa ang mga iba
kinamot ko ang balat kong namaga

pagyuko aking naaninaw, kay ganda
di pala ako nag-iisa sa halik ng umaga
ipinikit ko ang aking mata paharap silangan
huminga ng malalim sa hanging amihan
bakit kaya aking pusoy biglang tumibok
at mga paa koy sumusunod sa udyok

nagsalubong ang kilay natin sa lamig ng hangin
mga maririkit na ngiti lumipad na parang lawin
namutawi sa mayuming mga labi mga pagbati
nauwi sa paghinto at naupo tayong magkatabi
lubos kaligayahang ating pinagsaluang panandali
diko natanong yong pangalan mo sa pagmamadali

…hmmm sino kaya siya mga kaibigan







md
4/14/2008 11:25:49 AM

mayroon pang bukas II

nagbabakasakali akong ikay makita sa hamog ng umaga
nangangarap nga akong dahandahan kang magpapakita
na iyong mahabang buhok ay tumutugon sa simoy ng hangin
lumulutanglutang, parang along naghahabulan sa buhangin
mga kamay moy sagwan ng bangkang pumapadalampasigan
mga ulap ay hahawiin ng umi-indayog mong kagandahan

hanggang unti-unting nagliliwanag ang malamig na kapaligiran
mga tuyong dahon nagliliparan tinatakpan ang ating upoan
para akong kinurot sa kailaliman at sinaklot ng pangamba
pinagtiklop ang dalawa kong kamay mainit na hangin ibinuga
parang usok sa salamin ko naging halumigmig di ako makakita
dinukot ko ang aking panyo, ang bango mo sinta nandito pa

hinawi ko mga dahong napadpad, umupo akot nagmatyag
lamig ang naramdaman ko, sa pagka-inip; akoy sumandag
nabuklat dahong nakaraan; ” gara ng iyong kuwentas ‘naay”
“ ha! eh bigay ng mommy ... hmm” nahaplos ko iyong kamay
pinaglalaruan ko, binasa ko pa pero di mo ako sinasaway
pinunas kong kabutil na pawis sa ‘yong leeg sabay halik
ika’y napapikit, mayroon kang nasambit at hawak na mahigpit


... ttssuupp ... uhmmmmmmmm ... gmg tcn ... hahahahaha
lol... ialau aulam...tcmpoems.






md
4/14/2008 11:38:25 AM

mayroon pang bukas III

nakisuyo na rin ang hanging amihan
mga ibong pipit pag-awit sinusubukan
dahoy kumakaluskos waring nagpapalakpakan
sinta bulong moy himig ng aking kalooban
ikinalat ko pang muli ang aking paningin
nataon yatang di ka ngayon makakarating

tumayo akong may bigat ang ramdam
sumagi sa sisp pangambat agam-agam
ina-aaliw kong sarili ko sa alaalang nakaraan
noong napansin ko sa mga papil na naghahabulan
isang kuwentas kalahati ay natakpan
hinawi ko ang alikabok aking hinawakan

tandang tanda ko palawit na may larawan
at may marikit na batong kumikinang
tinikom ko aking palad, nagsimulang maglakad
nag-iisip kung bakit? ito bay 'yong nalaglag
o sadya mong iniwan nagbabasakaling mapulot
katulad kong naglalakbay mundong makipot





md
4/14/2008 11:57:06 AM

mayroon pang bukas IV

naamoy ko na ang simoy ng dagat
mga mapusok na salpok along alat
mga layag nakikipagtunggali sa hangin
mangingisdang mataimtim mga dalangin
mga ibon sa himpapawid naghahagikgikan
nakakainggit ligtas sila suliraning pasan

mga paa koy hinahatak ng umi-ibsang tubig
tinanggal kong sapatos kot binigyan hilig
kiliti ang inabot yaring talampakang nagtiis
hanggang nasanay magbabad ng labislabis
nauwi sa paglimot at pagyakap sa bagong biyaya
akala koy nakalimot, ngunit nakapa ko ang aking bulsa

napunas ang sandali nagdulot buntong hininga
himashimas koy kuwentas at parang minumutya
nang masalat ko mga nakaukit na mga kataga
"shie...shie" "psssst...anong gingawa mo rito?"
"shiela...shie..la?" "aah! pangalan ng mommy ko"
lumapit pa ako ng kaunti, akoy natabunan ng bango


...di kita sana lalapitan pero tinatangay ng alon
ang iyong sapatos.
...ooops, di bali luma na 'yon.





md
4/23/2008 9:05:41 PM

mayroon pang bukas V

(si ... ya)
sa lilim ng anahaw ikay pinapanoud
nangangamba akot baka ka malunod
bakit kaya nakikipaghabulan ka sa alon
nangungusap, mayroon kapang patalontalon
napansin ko rin ikay namumulot ng kampis
pero ang karamihan ay iyong ihinahagis

sa lipos na katuwaan koy, akoy kinikilig
kadalasay tinatakpan ko ang aking bibig
ini-iwasan kong akoy iyong mapansin
katunayay nakakatawa kang panoorin
hanggat mga sapatos moy lutanglutang
namamaalam at ramdam koy pagkasayang

(m2)
sinta mabuti ngat nagpalipas ka ng sandali
habang ang mga alaala ay aking hinihili
halos malunok ko ang aking mga bulong
sa diko ina-asahang tayoy ulit magkasalubong
ngayon nararamdaman ko ang iyong ngiti
malalambing at sadyang nakakabighani

init ng iyong kamay nadampi sa aking dibdib
linusaw ang damdam kong nakasilid sa lamig
nauwi sa dalawang nagkukumpasang pintig
binalot ng likas na lakas ng pusong umi-ibig
napabilis ang pangyayring naangat kita sa lupa
at pinupupog ng halik, sa tabi ng along may inggit


....swoosh .... aaay! sinta basangbasaka, naa-aninag yata,
dumikit ka lang sa akin para di halata.
....ito naman ... doon tayo sa may lilim... para magpatuyo












md
4/23/2008 10:16:41 PM

mayroon pang bukas VI

(nahagip kami ng along may inggit
natubog sa tubig ang kanyang damit)

(m2)
sinta dito ka muna't kukuha ako ng kumot
mayroon akong payong at maringal na saplot
pag nahihiya ka puweding dahon iyong itabing
mag-ingat ka lang sa mga uud baka ika'y kagatin
malapit lang ang pupuntahan ko huwag kang inipin
nakikita mo 'yong sasakyang 'yon sa may lilim

(si...ya)
sasama ako,ayaw na ayaw kong mag-iisa
nakakainip at parang ako'y nagdurusa
ayaw mo ba akong kasama dahil ako'y basa
di ako malikot ayan lang baka ka magambala
maawa ka naman gusto mo bang ako'y iiwan
sige, 'wag kang mainis pag dimo ako maratnan

(m2)
huwag naman ganyan, pupuntahan koy diyan lang
ako'y iyong matatanaw, mga pitumpong hakbang
hmmm!...ano ba yong simangot na iyan, ang ganda
ooops! nagdadabog pa, hoy sinta halika na nga
hawak ka sa aking baywang para dika mawalay
sa ating paglalakbay...talagang ikay mahusay

(si...ya)
ako lang ay naglalambing sa 'yo
di ako payag malayo ang puso ko
'tsaka ibang pakiramdam magkadikit
para kang apoy nakakapahinto ng kilig
lalo nat akap-akap ko ang yong mga bisig
umaawit na kumakaba ang aking dibdib

(m-2)
ramdam ay talagang ganyan, umu-ukit sa kalamnan
ipikit mo 'yong mata at puso mo ay iyong pakinggan
dumudulog ba sa bawat tibok, umaayon sa pagsuyong lipos
ba't humigpit 'yong hawak at nauwi sa mahigpit na yapos
sinta, mayroon pang sampung hakbang bago tayo makarating
pareho na tayong basa,...ayos lang, basta ikay kapiling

... napakalapit na pero parang napakalayo
hmmm ... matutuyo ba siya... oops 'yong
damit pala.






Agposte

Ag-Loginka pay nga umuna Kailian sakbay nga agposteka.